Isang Panganay ng Tanyag na broadcaster na si Anthony Taberna na si Zoe ay mayroong Leukemia
Nagpaulan ng dasal at well wishes ang mga netizens matapos malaman na ang panganay na anak ng tanyag na broadcaster, Anthony Taberna, na si Zoe ay mayroong leukemia.
Nitong nakaraang Miyerkules, ika-2 ng Disyembre ay nagbahagi ng dalawang post sa Facebook at Instagram si Anthony. Diumano’y nagpakalbo na ang kanyang anak na si Zoey dahil sa paglalagas ng buhok nito epekto ng chemotherapy.
Saad niya sa isang post, “Hindi ko akalain na papayag si Zoey na ipakita sa madla ang larawan na ito. Nakangiti siya pero alam kong durog na durog ang puso niya nung nag umpisang malugas ang kaniyang buhok dahil sa chemotherapy. Nung pumayag si Zoey na magpakalbo at nalaman kong papunta na sa ospital ang misis ko kasama si Ate Tet, umalis na muna ako. Akala ko ay malakas na ako. Marupok pala. May video habang kinakalbo si Zoey. At tuwing makikita ko iyon, hindi ko
Mapigil ang pagpatak ng aking luha. Ang wala o maikling buhok ang isa sa dahilan ng insecurity ni Zoey. Pero nung makita kong ipinost niya, nagpaalam ako na ipo-post ko rin. Hanga ako sa tapang ng aming panganay. I love you, Zoey.”
Sa isa pa niyang post, binahagi ni Anthony kung paano nalamang may leukemia si Zoey noong nakaraang taon.
Diumano’y noong alas dos ng madaling araw ay umiiyak ang kanyang anak sa napakasakit na binti at hita. Dinala siya sa Delos Santos Medical Center, at doon nalaman na hindi lang pala ito simpleng karamdaman lamang. Inilipat si Zoey sa St. Lukes, at nakumpirma na siya ay may leukemia. 11 taong gulang pa lamang si Zoe noon.
Hanggang ngayon ay patuloy na nagdarasal ang kanilang pamilya para mapagaling ang karamdaman ni Zoey. Sa ngayon daw, patuloy naman na gumagaling ang kalagayan ni Zoey.
Mensahe pa ni Anthony, “Salamat sayo, anak, Zoey. Inspirasyon ka namin dahil sa iyong katapangan at lakas. ‘Wag kang mag-alala, maganda ka pa rin! Mahal na mahal ka namin ng Mommy mo at ni Helga.”