Israel nangangalap pa rin ng mga caregiver, sweldo: PHP 75,000!

Pinaaalalahanan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga may hawak ng Level II Caregiving National Certificates na ang bansang Israel ay tumatanggap pa in ng aplikasyon ng mga caregiver.

Ayon sa isang ulat, ang trabaho ay magbibigay ng sweldong higi’t kumulang PHP 75,000 kada buwan.

Noong Nobyembre ng nakaraang taon maaalalang umanunsyo ang Philippine Overseas Employment Administration na ang Israel ay nangangailangan ng 500 na Filipino caregivers.

Idinagdag pa na ang trabahong ito ay transaksyon sa pagitan ng gobyerno ng Israel at Pilipinas. Walang kakailanganing placement fees.

Ang mga aplikante ay dapat 23 years old o mas matanda pa, hindi liliit sa 4 feet 11 inches, at dapat mas mabigat sa 45 kilos. Dapat ang mga ito ay nakapagtapos ng high school at nakapasa sa caregiving course ng TESDA.

Importante rin umanong marunong at fluent ang mga aplikante sa Ingles.

Ayon sa POEA, ang kontrata ay magtatagal ng limang taon.

Umano ay 90% ng mga aplikante na matatanggap ay mga babae. Sila rin ang magbabayad sa kanilang pamasahe at fee sa mga dokumentong aayusin.

Ang kung sino mang interesado ay dapat mag-rehistro sa online services ng POEA website.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *