Janine Gutierrez, Kapamilya na!
Opisyal nang isang Kapamilya si Janine Gutierrez!
Pinirmahan ng aktres ang kanyang kontrata sa ABS-CBN noong ika-15 ng Enero.
Noong nakaraang linggo, nabulgar ni Paulo Avelino na si Janine nga ay magiging Kapamilya habang nasa isang virtual media conference ng kanyang palabas na ‘Fan Girl’. Ang dalawa ay pareho lang ang manager, at kapwang bibida sa pelikulang “Ngayon Kaya”.