Jesy Nelson departs from Little Mix
Matapos niyang kumuha ng indefinite HIATUS, inanunsyo na ni Jesy Nelson na siya’y liliban na sa British Girl Group na Little Mix.
Kinumpirma ito ni Jesy sa isang Instagram Post, idinagdag pa niya na ang kamakailang pagiging bahagi ng girl group ay nakaapekto sa kanyang mental health.
Upang makita ang IG post, i-click ang link: https://www.instagram.com/p/CIySd94HlyZ/?utm_source=ig_web_copy_link
Ayon kay Jesy, ang desisyon niyang lumiban sa grupo ay makatutulong sa kanyang simulan ang proseso ng pagbibigay atensyon sa kanyang sarili, imbes na sa dating mas pinagtutuunan niya ng pansin ang pagpapasaya ng iba.
“I’m ready to embark on a new chapter in my life – I’m not sure what it’s going to look like right now, but I hope you’ll still be there to support me,” ika pa niya.
Ang nalalabing tatlong miyembro ng grupo na si Jade Thirlwall, Perri Edwards, at Leigh-Anne Pinnock ay nagbahagi din ng statement ukol sa pag-liban ni Jesy sa kanilang Instagram Page.
Upang makita ang IG post, i-click ang link: https://www.instagram.com/p/CIySkxPBfTn/?utm_source=ig_web_copy_link