JULIA and GERALD magkasama nga ba sa HIKE PA MT. KULIS?
SHOWBIZ CHIKA – Julia Barretto at Gerald Anderson, magkasama ba sa hike pa-Mt. Kulis?
Nagkaroon ng haka-haka na magkasama ang dalawang aktor sa Mt. Kulis ng Tanay, Rizal matapos mag-post si Julia Barretto ng litrato niya sakay ng isang bangkang binansagang “Noah’s Ark.”
Ito ay matatagpuan sa tuktok ng limestone rock formation sa Mt. Kulis, isang popular na hiking destination.
Walang binanggit si Julia kung sino ang kasama niyang nag-hike sa Mt. Kulis.
Paano napagtagping magkasama ang dalawa sa bundok?
May hiwalay na litrato ang kumakalat ngayon online, isang lalaking naka-mask at naka-cap, nakaupo sa isang heart-shaped bamboo structure na matatagpuan din sa Mt. Kulis. Nasa paanan ng lalaki ang isang K9 dog na tila si Koda, ang alagang aso ng aktor.
Kinilala ng mga fans na si Gerald nga raw iyon.
Habang ang kapatid ni Gerald Anderson na si Ken ay nag-post ng drone shot niya ng Noah’s Ark sa Mt. Kulis. Kahit malayo ang kuha, makikita sa video ang isang babaeng naka-ponytail habang nakasuot ng isang black cap.
Hinala ng mga netizens na ang black cap, white top, at leggings na suot ng babae na nasa drone shot ay tumutugma sa outfit ni Julia sa Instagram Post nito.
Hanggang ngayon, tikom pa rin ang bibig ng dalawang aktor sa spekulasyon na sila’y nasa isang relasyon.
Upang makita ang post ni Julia Barretto, i-click ang sumusunod na link: https://www.instagram.com/p/CIKV_APp7wz/?utm_source=ig_web_copy_link
Upang makita ang drone video ni Ken Anderson, i-click ang sumusunod na link: https://www.instagram.com/p/CIFe7NyhoL2/?utm_source=ig_web_copy_link