Kinilala nang occupational disease ang COVID-19, at ngayon may dagdag kagustuhan ang masa!
Kinilala ni Risa Hontiveros ang pinakahuling resolusyon ng Employees’ Compensation Commission (ECC) at Department of Labor and Employment (DOLE) na pagkilala sa COVID-19 bilang isang occupational at work-related disease.
Ani ni Hontiveros, “Malaking tulong ang deklarasyong ito para mabigyan ng nararapat na compensation ang ating mga manggagawang araw-araw nakikipag-buno sa panganib ng COVID-19 para lang may maiuwi sa pamilya.”
Ngayon naman, hinihikayat ni Hontiveros ang dalawang ahensya, kasama ang Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) na gawing madali ang proseso ng availment ng benepisyo.
Ayon kay Hontiveros, “Ang kasunod na hakbang ay ang pagbubuo ng isang seamless at hassle-free na proseso upang matamasa ito ng ating mga manggagawa.”
Kasama nito ang panawagan niya ring maglunsad ng massive information campaign upang lahat ng mga Filipino na trabahante ay maging pamilyar na karapatan na nila ito ngayon, na makakuha ng suporta at benepisyo kung nagkaroon nga ng COVID-19 habang naka-duty.