Klinaro ni Angara na ang binahaging presyo ng Covid-19 vaccines ay galing DOH
Klinaro ni Sen. Sonny Angara, ang Chairman ng Senate committee on fincance, na ang impormasyong ibinahagi niya ukol sa mga presyo ng mga COVID-19 vaccines na bibilhin ng bansa ay galing sa Department of Health (DOH).
Ito ay dahil sa mga ulat na binabalita na naglalagay sa opisina niya bilang pinanggalingan ng impormasyon.
Sa isang tweet, ani ni Angara, “For the record, those were given by the DOH 2 months ago during budget hearings in response to senator’s questions. Prices may have changed since then. Don’t shoot the messenger.”
Nagpahayag naman ang Senate Majority Leader na si Juan Miguel Zubiri na maaari silang magpatupad ng executive session sa dadating na Biyernes upang mag-tanong sa karampatang opisyales na ibahagi ang tamang presyo ng mga bakunang bibilhin ng gobyerno mula sa ibang bansa.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 25M doses ng Sinovac vaccine ang nabili ng gobyerno sa kabila ng mga katanungan tungkol sa seguridad at efficacy nito.