Lacson at Poe, binubuking ang DOH ukol sa Presyo ng COVID-19 vaccines
Pinuna ng mga Senador na sila Panfilo Lacson at Grace Poe ang hindi pagiging transparent ng DOH sa mga presyo ng mga binili nilang COVID-19 vaccines.
Ayon sa Privilege Speech ni Lacson na isinapubliko noong ika-18 ng Enero, ipinahayag niya ang pagtataka bakit hindi maimporma ang publiko ukol sa negosasyon kasama ang Sinovac habang ang mga karatig-bansa na nakikipag-negosasyon din sa Sinovac ay may transparency naman.
Binanggit ni Lacson ang Indonesia na nagbulgar ng presyo ng mga bakuna ng Sinovac-Biotech na nagkakahalagang PHP 683.30 (converted).
Dinagdag din niya ang Thailand na nabili ang bakuna na Sinovac nang PHP 240 lamang kada dose.
Sa release ni Lacson, nanawagan siya ng pagpapaliwanag bakit nga ba nagkakahalagang PHP 3,629 kada dalawang dose ang Sinovac sa Pilipinas kung sa ibang bansa naman ay aabot itong PHP 240 kada dose?
Ani niya, “Will somebody explain the P1,814.75 per dose price of Sinovac vaccine, or P3,629 provided by the Department of Health to the Senate Committee on Finance during our budget deliberations late last year?”
Binatikos din ni Lacson si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nagsabing ang presyo ng Sinovac Vaccine ay maaaring bumaba ng 300%. Ani ni Lacson, “I still have not heard how the 300% reduction is a mathematical probability, Mr. President, in the vaccine procurement without China or Sinovac Biotech Ltd. for that matter, giving us a rebate equivalent to 200%. It’s been days of prodding but still, no clarification whatsoever has been made. It has been days since I had my good night’s sleep.”
Habang si Senator Grace Poe naman ay nagpahayag ng kanyang pagdududa ukol sa presyuhang nangyayari sa Sinovac vaccine noong pinakahuling Senate Inquiry na naganap noong ika-21 ng Enero.
Tinanong niya si Galvez ng, “Bakit po kung meron nga tayong NDA, bakit doon sa Sinovac nasabi natin na P3,000 something ang presyo? Tapos biglang binabaan naman, nabanggit ng spokesperon ng Malacañang, ng P600? So kung meron tayong NDA talaga, bakit nabanggit ang mga ‘yun?”
Bilang kasagutan kay Poe, ani ni Galvez na hindi maaaring ibahagi ang tunay na napagkasunduang presyo hangga’t hindi pa naattapos ang kasunduan dahil sa NDA (Non-Disclosure Agreement).
Gaya ni Lacson, pinuna rin ni Poe kung paanong ang ibang bansa ay nagsisiwalat naman ng presyo ng Sinovac sa kanilang mga bansa.
Ngunit iginiit lamang ni Galvez na ang mga naibahaging presyo sa ibang bansa ay hindi rin pinal, at ito’y hindi totoong negotiated price.
Link ng Privilege Speech ni Lacson: http://legacy.senate.gov.ph/press_release/2021/0118_lacson1.asp