Lalaki, nakita ang pumanaw na ama sa labas ng kanilang bahay sa Google Earth
Isang Japanese na lalaki ay naghahanap sa bahay ng kanyang mga magulang sa Google Earth, at sa pagkahanap niya nito, natagpuan din niya ang imahe ng kanyang pumanaw nang ama sa labas ng bahay na naghihintay sa pag-uwi ng kanyang ina.
Ibinahagi ng twitte use na si @TeacherUfo noong ika-4 ng Enero ang satellite images ng kanyang ama na nakatayo sa labas ng kanilang bahay habang ang kanyang ina naman ay naglalakad sa kalye malapit sa kanila, habang may hinahawakang payong.
Sabi niya sa post, “Nakita ko ang aking amang pumanaw na ng pitong taon. Hinihintay niya siguro ang aking ina makauwi sa bahay.”
Idinagdag niya ang kanyang kagustuhan na sana ay hindi ma-update ng Google Earth ang litrato para sa lugar na iyon.
Ang tweet na ito ay nakapag-udyok sa iba na tingnan kung mahahanap ba nila ang kanilang mga minamahal sa buhay sa Google Earth. May isang @teruka0125 ang nakakita sa kanyang pumanaw nang lola na nagtratrabaho sa bukid.
Habang si @yosio61 naman ay nakita ang kanyang pumanaw ding lola na naglalakad din sa isang kalye.
Ang Google Earth ay isang programa na nagbabahagi ng 3D representation ng mundo na nakabase sa mga imahe ng satellites. Ang mga litrato ay nag-uupdate kada isa hanggang tatlong tao ayon sa Tech Junkie.
Samantala, ang Google ay hindi nag-uupdate ng kanilang mapa nang pare-pareho kada lugar, kaya maaaring may mga pook na ang mga imahe ay mas matanda na kaysa sa tatlong taon.