Lalaki, tinapon sa kalsada at pinagbabaril.

Sa Maynila, isang lalaki ang itinapon sa kalsada saka pinagbabaril.

Sinabitan pa ang biktima ng karatulang nagsasabing, “Huwag tularan, basag kotse at holdaper ako.

Susunod na kayo.”

Ayon sa ilang saksi, pinutukan ng tatlong beses ang biktimang nakalatay na sa kalsada.

Walang pagkakakilanlan ang biktima na nakasuot lamang ng pulang pang-itaas, at puting shorts. Walang gamit na natagpuan sa kanyang labi na makapagtuturo sa kanyang identidad.

Ang biktima ay sakay ng isang puting van bago itinapon sa gilid ng kalsada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *