Little Island Boy ni Andi Eigenmann, ipinakilala na!

Ipinakita na ng engaged na sila Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa publiko ang itsura ng kanilang bagong baby boy.

Isang araw lamang matapos niyang manganak ay ipinagilas ni Andi ang anak sa kanyang Instagram account, at binansagan pa itong “little island boy” Koa.

Mayroong sobrang sweet na mensahe si Andi kaalinsabay ng kanyang post, ani niya, “And just like that, my heart has grown even bigger once more. On the 17th day of January, 2021 at 10:09am, we welcomed the newest member of our family Hello world! Meet our little island boy, Koa.”

Si baby Koa ang ikalawang anak nila ng katipang si Philmar. Mayroon siyang dalawang nakakatandang kapatid na si Lilo, at ang panganay ni Andi mula kay Jake Ejercito na si Ellie.

Hindi nagpahuli si Philmar mula sa pag-post, dahil sa kanyang Instagram account, binahagi niya ang isang litrato nila ni Andi kasama ang anak.

Bago pa man maibahagi ng couple ang balita ng panganganak ni Andi, nauna nang ibinalita ng kanyang ina na si Jaclyn Jose ang impormasyon sa kanyang IG followers.

Sa ngayon, tuwang-tuwa ang netizens sa isang Tiktok video ni Philmar na sumasayaw para sa kanyang mag-ina. Mayroon itong caption na, “Gata keep er ismaylin.”

Ini-repost naman ito ni Andi at binigyan din ng caption na, “Papa entertaining us 24/7.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *