Logo para sa live action ng ‘Percy Jackson’ series ni Rick Riordan, inilabas na!

Nagbahagi si Rick Riordan ng pasilip sa paparating na live adaptation ng kanyang popular na pentalogy book series na may pamagat na, “Percy Jackson and the Olympians.”

Ayon kay Rick, ang palabas ay may “long way to go”, pero siya’y excited para dito.

Binigyan niya ng assurance ang mga fans na siya ay personally involved sa produksyon ng palabas at na ito’y susunod sa kung ano ang nakasulat sa libro.

Ang “Percy Jackson and the Olympians” ay isang book series na nagbigay-buhay sa Greek Mythology, at pumapatungkol sa mga pagdadaanang pagsubok ni Percy, isang demigod na anak ni Poseidon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *