Lou Yanong at Andre Brouillette, naghiwalay na!
Ang magkatipang nagkadevelopan sa Pinoy Big Brother (PBB) na si Lou Yanong at Andre Brouillette ay naghiwalay na.
Inanunsyo ng dalawa ang kanilang paghihiwalay sa isang Instagram post.
Ani ng pahayag ni Andre, “I’m saddened to say this but recently, Lou and I have come to a mutual understanding to move on from being a couple.
We realize we’re going on different journeys in our lives and no matter how hard we tried to make it work, it isn’t meant to be.”
Si Andre at Lou ay nagkakilala sa “Otso” edition ng PBB house. Parte sila ng BIG 4, kasama ang comedic duo na si Fumiya Sankai at Yamyam Gucong.
Binansagan silang “LouDre” ng fans, at pinagpatuloy ng dalawa ang relasyon matapos ang pagiging housemates nila. Idaraos na sana nila ang ikalawang anibersaryo sa Marso.