Maaaring pangunahan ng Pilipinas ang international “solidarity trials” para sa posibilidad na ang Virgin Coconut Oil ay maging lunas para sa COVID-19.

Maaaring pangunahan ng Pilipinas ang international “solidarity trials” para sa posibilidad na ang Virgin Coconut Oil ay maging lunas para sa COVID-19. Ito ay ibinahagi ng isang siyentipikong may kinalaman sa pag-aaral na ito.

Ito ay binabalak tahakin upang mapalawak ang tagumpay ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), na mapapatunayan ng kanilang clinical trials na nagpapakita na ang pagkain ng VCO ay makakatulong makapagpalunas sa mga hindi malalang kaso ng COVID-19.

Sabi ng ADMU Professor Fabian Dayrit, miyembro rin ng FNRI study team, na ang Pilipinas ay pwedeng makipakaisa sa International Coconut Community (ICC) para sa pandaigdigang pag-aaral ng VCO.

Sabi ni Dayrit na mayroon nang nakatakdang online meeting kasama ang ICC upang talakayin ang conduct of a global solidarity trials kagaya ng inoorganisa ng WHO sa mga kandidatong bakuna para sa COVID-19. Ito’y dahil tataas ang acceptance rate kung ang pag-aaral ay replicated sa maraming lugar at mag-generate ng parehong resulta.

Idinagdag pa ni Dayrit na kung pangungunahan nga ito ng Pilipinas, magbibigay ito ng benepisyo sa mga VCO producers ng bansa, lalo na’t tayo ang pinakamalaking exporter nito sa buong mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *