Mag-amang naisipan pang balikan ang learning modules, nasawi dahil sa bagyong Rolly
Natagpuan ang bangkay ng mag-amang sina Mario at Mecealla Jacob na may limang minuto pa ang layo sa kanilang tahanan noong ika-2 ng Nobyembre sa Virac, Catanduanes.
Ayon sa ina at asawa ng mga biktima na si Liwayway Jacob, binalikan lamang ng mag-ama ang learning modules at kagamitan sa eskwela ng kanilang anak sa kanilang tahanan sa kasagsagan ng Bagyong Rolly.
Natakot kasi sila na baka maapektuhan ang pag-aaral ng kanilang anak lalo na dahil running for honors ito sa kanilang paaralan.
Ngunit imbes na module ang nakuha, nabilang ang mag-ama sa limang nasawi sa naturang lugar dahil sa labis na pinasalang hatid ng Bagyong Rolly sa bansa.
Natagpuan pa sa bangkay ng bata ang module na hawak pa rin nito hanggang sa kanyang huling sandali.
Labis na dalamhati ang naramdaman ni Liwayway at ang dalawa pa niyang anak na naiwan ng mag-ama.
Sa kasulukuyan, humihingi ng punansiyal na tulong ang mag-ina dahil bukod sa pinsalang nadulot ng bagyo sa kanilang tahanan, ang kanyang mister ang naghahanapbuhay sa kanilang pamilya.
Caption:
Mag-ama sa Virac, Catanduanes, nasawi sa kasagsagan ng Bagyong Rolly matapos balikan ang modules ng anak nito sa kanilang tahanan.