MANNY PACQUIAO, BAGONG PRESIDENTE NG PDP-LABAN PARTY NI DUTERTE
Si Senador Manny Pacquiao ang bagong presidente ng party ni Pangulong Duterte na PDP-Laban.
Nagtweet din si Party Executive Director, Ron Munsayac na, “Let’s welcome our new PDP-Laban party President Sen. Manny Pacquiao and EVP Speaker Lord Velasco!”
Mayroong naka-attach na picture ng dalawang party officials na namamanata kay Senator Aquilino Pimentel III na pinalitan ni Pacquiao.
Idinagdag ni Munsayac na ang mga bagong party leaders ay magtratrabaho ng malapit sa Chairman nilang si Pangulong Duterte.
Noong nakaraang Hunyo lamang ay nagsaad ang Top Rank promoter, Bob Arum, na si Senator Pacquiao ay nagbabalak tumakbo para sa posisyon ng Presidente ngayong 2022.
Sa edad na 41, matatapos ang first term ni Pacquiao bilang senador ngayong 2022.
Noon pa ring 2016 ay idineklara na ng Pangulonh Duterte na si Pacquiao ay mananalo bilang Presidente.
Nitong nakaraang linggo lamang ay napasailalim sa isang kontrobersiya si Pacquiao at presidential spokesman Harry Roque para sa pag-dadaos ng mass gatherings na nag-violate sa mga health protocols na dala ng Coronavrus Pandemic. Pareho silang handang imbestigahan para sa mga violation na ito.