Matapos ang 6 na taon, wala pa ring hustisya ang SAF 44

Kahapon idinaos ang ika-6 na anibersaryo ng insidente sa Mamasapano, Maguindanao na nagdulot sa kamatayan sa 44 na elite troopers ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP), ngunit wala pa ring napanagot sa nangyaring insidente.

Nabasura ng Fourth Division ng Anti-Graft Court ng Sandiganbayan ang mga kaso ng graft at usurpation ng official functions ng 2019 laban sa dating Pangulo na si Benigno Aquino III matapos winithdraw ni Ombudsman Samuel Martires ang kaso dahil sa kawalan ng ebidensya.

Matapos naman ang isang taon, na-dismiss din ang mga similar na mga kaso laban sa dating PNP chief na si Alan Purisima at dating PNP-SAF direktor na si Getulio NapeƱas Jr., sa kadalihanan na “lack of probable cause” at “insufficiency of the allegations.”

Ang mga kasong ito ay nanggaling sa pagpapahintulot ni Aquino sa nasuspindeng si Purisima sa pagiimplementa ng Oplan Exodus, ang operasyong naglalayong mapatigil na ang Malaysian terrorist na si Zulkifli bin Hir a.k.a. Marwan at ang Pinoy na bomb maker na si Abdul Basit Usman.

Ang operasyon ay nagbuntod sa kamatayan ng 60 katao, kasali ang 44 na miyembro ng PNP-SAF.

Nagsaad naman si Presidente Duterte na ang insidente sa Mamasapano ay isang “Painful yet necessary reminder to all of us that the struggle of lasting peace comes with a very heavy price.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *