Mayor Isko, kulang nalang maiyak sa napalayang kawatan.
Isang kawatan ang nag-viral matapos mapalaya sa Maynila. Dagdag pa rito, siya’y pinatawad ng pinagnakawan at nabigyan pa ng trabaho!
Sa programa ni Mayor Isko Moreno na Manila PIO live, makikitang mangiyak-ngiyak si Mayor Isko habang kweinekwento ang kinahinatnan ng kaso ni Justine Trio, ang kawatang naaktuhan sa CCTV ng pagnakaw ng tricycle at pagpapatakbo nito mula sa pinagparadahan ng may-ari noong Disyembre 2020.
Matapos ang isang buwan, si Justine ay pinatawad ng pinagnakawan nito.
Diumano’y nagnakaw lamang si Justine dahil sa anak nitong nagugutom habang nasa kanyanfg pangangalaga. Noong ipinakita na nagtagpo si Justine at ang kanyang anak, makikitang bahagyang emosyonal ang alkalde.
Pinaalala naman ni Mayor Isko na hindi dahilan ang kagutuman upang gumawa ng masasamang bagay gaya ng pagnanakaw. Ani niya, “Maging takdang aral ito sa mga manonood na hindi pa rin dahilan na iraraos natin ang mga mahal natin sa buhay sa paggamit ng mararahas na pamamaraan at pang-aapi sa kapwa natin.”
Upang hindi ulit mawala sa landas si Justine, binigyan ito ng trabaho ni Mayor Isko sa DSWD ng Maynila.