Mga executives ng ABS-CBN, nagpahayag ng pananalamat sa kanilang mga artists na piniling manatili sa network, kahit na sa kalukuyang krisis na pinagdaanan nito ngayong taon.
Sa isang media event na pinangalangang “Star Magic Shines On,” ay nagpasalamat si Carlo Katigbak (ABS-CBN President and CEO) at si Laurenti Dyogi (newly-appointed Star Magic head) sa mga Kapamilya stars nila na nagpatuloy na maging parte ng kumpanya.
Ang event na ito ay nagpakita ng paglalagda ng 8 Star Magic Artists –
Kim Chiu
Jane de Leon
Enchong Dee
JM de Guzman
Andrea Brillantes
Kira Balinger
Joseph Marco
Robi Domingo
- ng bagong eksklusibong kontrata sa ABS-CBN.
Ipinakilala din ang mga bagong Star Magic talents, ang P-pop groups na BINI at Star Hunt Academy Boys, na trained mismo sa ABS-CBN at naglagda ng kontrata din sa network.
Binuksan ni Katigbak ang event sa pag-alala ng pinagdaanan ng network nitong 2020. Sabi niya, “Ang hirap-hirap po ng taong 2020. But ABS-CBN has always been at its best in its most difficult times. This year is no exception.”
Kasali na sa temporary na halt ng show business dahil sa coronavirus pandemic, hindi din nagawaran ng bagong Broadcast Franchise ang network ng Duterte administration. Dahil dito, napilitang hindi na mag-broadcast ang ABS-CBN sa free television at radyo, nag-bunga ng pag-retrench ng libo-libong empleyado nito.
Idinagdag pa ni Katigbak, “Our commitment to serve the public is the foundation of our company. And so, even without everything that we’re used to, we have not stopped finding new ways to be in service of the Filipino.”
Kasunod nito’y kanyang pinuna ang mga Kapamilya stars, “Kayo po ang nagbibigay ng liwanag at ligaya sa ating mga Kapamilya. Thank you for choosing to be part of our mission. Thank you for believing in ouor company. And thank you for supporting us in our most difficult moments.”
Sa mga nakaraang buwan simula ng mawala sa free-TV at radyo na pag-broadcast ang network, ang kanilang mga talents ay nag-rally sa likod ng ABS-CBN sa pamamagitan ng Social Media posts at ilang mga demonstrasyon.
Sa kanyang talumpati, iginiit ni Katigbak ang mga sumusunod, “I hope you believe, as we do, that working in ABS-CBN is not just a career move, it’s not just a job; it’s a calling to serve.”
Natapos ang diskurso ni Katigbak sa pagpapakilala kay Dyogi bilang bagong head ng Star Magic, at sa isa pang pagpapasalamat sa kanilang mga artistang pumiling manatili sa kanila.