Mga Unibersidad naman ang inasinta ngayon ni Parlade matapos ang mga artista!
Matapos makatanggap ng malawakang pamba-bash bungad ng pangre-redtag sa mga artista, nasangkot na naman sa kontrobersiya ang executive director ng NTF-Elcac (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict) na si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., dahil sa mga akusasyon laban sa nangungunang unibersidad ng bansa.
Ang mga opisyales ng Ateneo de Manila University, University of Santo Tomas, Far Eastern University, at De La Salle University ay nagsama sa pag-lathala ng isang hindi pangkaraniwang joint message laban kay Parlade dahil sa ginawa nitong paninira sa reputasyon ng kanilang mga pamantasan.
Ayon sa pahayag ng mga institusyon, “This charge, though, is really ‘getting old’—a rehash of the public accusation the general made in 2018—irresponsibly cast without proof.”
Ang pahayag na ito ng mga opisyales ay nagsanhi sa pagpapangalan ni Parlade ng 18 unibersidad bilang recruitment center ng CPP-NPA.
Mayroong parehong pahayag na binitawan si Parlade noong Oktubre ng 2018, kung saan niya sinasaad na ang parehong 18 eskwelahan ay pugad ng mga magiging miyembro ng NPA.
Pinabulaanan ng mga opisyales ng mga pamantasan ang paratang ni Parlade, at sinabing prinoprotektahan lamang nila ang konstitusyonal at demokratikong karapatan ng kanilang mga mag-aaral, lalo na ang kalayaan sa free speech, thought, assembly, at organization.
Ani pa ng mga opisyales, “As universities with high aspirations for our country, we seek to direct our students to engage in acts that contribute to the strengthening of social cohesion, defend the country’s democratic institutions, and promote nation-building.”
Idinagdag pa nila na,” We therefore object to General Parlade’s statement and emphasize that our institutions neither promote nor condone recruitment activities of the [NPA] and, indeed, of any movement that aims to violently overthrow the government.”