Misis nagtago sa Kisame ng motel matapos mahuli na kasama ang isang kalabuyo
Isang babae nagtago sa kisame ng isang motel room matapos mahuli ng kaniyang mister pumasok kasama ang kanyang kabit nitong Linggo lamang sa Mandaue City, Cebu.
Ayon sa pahayag ng Mandaue City Police, matapos makita ng asawang seaman pumasok ang kanyang misis sa isang motel, sinugod niya diumano ang establisyimento.
Sa isang pahayag ng lalaki, kanyang sinabi na magkasama pa diumano sila sa taxi nang papunta sa trabaho ng kanyang misis, una lamang bumaba ang babae. Sumakay ng bagong taxi si misis na kaagad niya namang sinundan gamit ang ibang taxi. Imbes na sa trabaho dumiretso, ang taxi ng babae ay sinundo ang kanyang kalaguyo diretso sa motel.
Si Edward Ligas, isang international boxing judge, ang tumawag ng pulis matapos humingi ng tulong sa kanya ang kaniyang kaibigang mister, habang inaabangan nito ang dalawa makalabas ng motel.
Pagkarating ng pulis ay wala na sa kuwarto ang kabit, habang hindi rin makita ang misis sa loob. Nagkaroon bigla ng kalabog at nahulog ang ilang parte ng kisame at sandals ng babae, at gumewing din ang mga paa nito.
Pinakiusapan nilang bumaba ang babae, ngunit gusto talaga nitong manatili sa kisame. Kaya’t kalauna’y inakyat siya gamit ang hagdanan.
Noong 2017 pa raw nahuli na ng kanilang anak na may kalaguyo si misis. Nagsususpetsa rin daw ang seaman na hindi tumigil sa pangangaliwa ang asawa dahil sa pagbabago ng ugali kada siya’y uuwi galing biyahe.
Kalauna’y nalaman nila na isa ring seaman ang kalaguyo ng kanyang misis. At ngayo’y desidido na siyang kasuhan ang dalawa.