Missing Atty. Ryan Oliva
Update sa patuloy na nawawalang Atty. Ryan Oliva
Nitong ika-22 ng Nobyembre huling nakita ang abogado, mga 10 30 AM sa isang establisyimento sa Taguig. Ito ang itinatalang huling sighting sa kanya. Siya ay nakasuot ng shorts at nagbibitbit ng isang knapsack. Ang alam ng kanyang mga kaibigan ay pupunta siya sa isang lunch meeting, na hindi niya sinipot.
Tingnan: https://twitter.com/nikobaua/status/1331859605006139392?s=21
Noong ika-27 ng Nobyembre, ang kanyang gray knapsack, na makikita sa CCTV video sa link na naibigay, ay natagpuan sa isang baybayin ng Occidental Mindoro. Laman nito ang kanyang cellphone, wallet, ATM, reward cards, Driver’s License at iba pang ID.
Kung ikaw ay may impormasyon tungkol sa kanyang kinaroroonan, nawa’y contact-in ang kanyang pamilya sa mga sumusunod.
Mobile: +63 906 300 1009, +63922 860 1900
Email: findingattyryan@gmail.com