Naglabas ang Department of Health (DOH) ng mga public health guidelines para masigurong hindi kumalat ang COVID-19 habang nagdidiwang ng Pasko ang mga Filipino.

Naglabas ang Department of Health (DOH) ng mga public health guidelines para masigurong hindi kumalat ang COVID-19 habang nagdidiwang ng Pasko ang mga Filipino.

Sa pamamagitan ng Circular No. 2020-0355, inaabiso ng DOH na limitadong face-to-face activities lang kahit kapaskuhan. Dapat daw ang pagdidiwang, pag-shopping ng mga regalo at pag-attend ng misa ay sa online lamang.

Kung hindi naman daw maiiwasang mayroon talagang in-person activities, inaabiso ni DOH UNdersecretary Maria Rosario Vergeire na ito’y isagawa sa labas at well-ventilated na pook, at sa maiksing pagkakataon lamang.

Idinagdag pa niya na kahit pamilya ang kasama, dapat pa ring sumunod sa minimum health standards na pagsusuot ng face mask, face shield, physical distancing, at angkop na etiquette kapag uubo.

Inaabiso rin ng DOH na huwag mag-daos ng mga pagtitipong mayroong myembrong manggagaling ng ibang lugar na mas mataas ang quarantine classification, at vice versa. Ibinabawal din ang buffet-style na food service, lalong-lalo na ang pag-share ng mga pambahay na kagamitan.

Mag-obserba raw ng proper hand hygiene at constant disinfection sa mga aktibidades, lalo na sa panahon ng exchanging gifts.

Iginigiit din ni Vergeire na bawal ang pag-gamit ng mga Videoke Machines, ito raw ay nakaka-kalat ng virus sa mas mataas na porsyento. Ngunit kung ang mga participants ng pagdadaos ay nakatira lamang sa iisang bahay, hindi naman daw bawal. Hangga’t maaari lamang ay sa loob ito ng bahay idaraos at sa pagitan lamang ng mga pamilyang magkasama naman sa iisang bubong.

Ang kanilang huling abiso para sa holidays, ang mga indibiduwal na mayroong sintomas ng pagkakaroon ng virus ay dapat manatili sa kanilang bahay at mag-isolate. Ito rin ang dapat gawin ng mga wala ngang sintomas pero naghihintay pa rin sa kanilang test results. Dapat munang mag-konsulta sa isang primary care, telemedecine provider, or BHERT (Barangay Health Emergency Response Team) kung nagsususpetsa na ang isang indibiduwal ay may COVID-19.

Idinagdag nila na ang mga high-risk sa SARS-COV-2, ang mga nakatatanda, buntis, at mga indibiduwal na mayroong underlying health conditions, ay ipinaiiwas mula sa mga large gatherings at activities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *