Nazi-Style na pagsaludo, kinalagot ng Philippine Cultural Agency
Isang pang-gobyernong ahensya ng Pilipinas ang umani ng kritisismo matapos mag-lathala ng mga larawan kung saan makikita ang mga opisyales na gumamit ng saludong malapit sa ‘Heil Hitler’ na saludo ng Nazi Germany.
Ang mga litratong nalathala ay galing sa isang online talk show na nagbibida sana ng cultural trends at mga Filipino artists. Ngunit habang sila ay nakatayo sa mga museo at galeriya, nagsagawa ang mga hosts ng nakikita ng marami na kagaya ng saludong ginawa nang ilegal sa Germany.
Matapos umani ng kritisismo sa netizens, binura ng National Commission on Culture and the Arts ang mga litrato.
Bilang pagresponde sa lahat ng bumabatikos sa aksyon nilang ito, nagpahayag ang ahensya sa kanilang opisyal na twitter page.
Ani ng NCAA, “We are in no way encouraging or harboring Neo-Nazi beliefs or practices in the Commission. Following the comments on our earlier post, which we have already taken down, we will rethink of another hand gesture that better shows our intent of moving forward.”
Walang kasaysayan ang Pilipinas ng Ant-Semitism. Nagkaroon pa nga ito ng Open Door Policy sa panahon ni dating Pangulo Manuel L. Quezon na nakapagligtas ng 1,300 Hudyo mula sa persekusyon ng mga Nazi noong 1934.
Hindi ito ang unang pagkakataon na ang administrasyon ni Duterte ay napasama sa mata ng tao dahil sa mga gaya nitong akto. Noong 2016, kinumpara ng kasalukuyang Presidente ang sarili kay Hitler habang nagbabantang papatayin ang mga adik sa kanyang paparating na ‘War on Drugs’.
Isang law student na Pinoy na mayroong mga kaanak na kabilang sa 1,300 na Hudyong naligtas dati ang nagbahagi ng kanyang pagkadismaya sa ahensya. Ani niya, “For an institution that’s devoted to culture and history, it puts them in such a bad light. I don’t believe they’re ignorant of history, but in this case their actions showed otherwise.”