NBI, hindi inakalang makukuhanan pa ng urine sample si Dacera
Ang resulta ng ikalawang autopsy sa bangkay ng flight attendant na si Christine Dacera ay kritikal para sa imbestigasyon ng NBI.
Naibunyag ng Justice Secretary Mernardo Guevarra na nakakuha na ang NBI ng urine sample mula sa labi ni Dacera. Diumano, ito’y hindi inaasahan lalo na’t naembalsamo na siya at ilang araw na ring nakaburol.
Matatandaang noong ika-1 ng Enero natagpuan ang katawan ni Dacera sa bathtub ng isang hotel sa Makati City, matapos ang pakikipag-party niya kasama ang mga kaibigan at ilang indibiduwal. Ito’y pinagtutuunan ng pansin ng publiko at mga awtoridad dahil sa iba-ibang ebidensyang kumawala ukol dito.