Netizens, nag-react sa mali-maling lyrics tungkol kay Lapu-lapu!
Pumutok sa social media ang opinyon ng mga netizens ukol sa bagong kanta ng Filipino rapper na si Ez Mil na pinamagatang ‘Panalo’.
Ang lyrics sa kanta, lalo na ang “Nanalo na ako nung mula pa na pinugutan ng ulo si Lapu-lapu sa Mactan,” ay pinagtakhan, kinagalit, at kinainisan ng ilang mga netizens.
Walang tala sa kasaysayan paano namatay ang datu. Maaalala sa History o Kasaysayan subject natin naituro na nawala siya sa mga tala ng kasaysayan matapos ng laban sa Mactan.
Kinagalit ng ilan ang naunang lyrics, diumano’y hindi dapat pabayaang mali ang maulat na nangyari sa kasaysayan. Ngunit may iba namang dumepensa sa rapper, at sinasabing ang linyang ito ay dala lamang ng kanyang creative liberty at hindi dapat seryosohin.
Habang mayroon ding binigyan ng kritisismo kung paano siya gumamit ng sumusunod na lyrics sa kanta.
“Isigaw ng malakas ang ating panalo
Wag nang pag-usapan ang mga negatibong pangyayari”
Umano, ang modern rap sa Pilipinas ay nagsimula upang mabigyang ilaw ang mga socio-political issues ng bansa. Negatibo man o positibog mga aspeto nito. Ang pagsabi raw ni Ez Mil ng lyric sa itaas ay tumataliwas sa kung bakit nga nagkaroon ng rap sa bansa.
Kayo mga ka-Digest? Ano ang tingin ninyo sa kanta ni Ez Mil?