Netizens umalma sa PHP 1500 lamang na multa ni Tim Yap sa idinaos na party
Mainit ang pangalan ni Tim Yap sa kasalukuyan dahil sa party na idinaos nito sa Camp John Hay Manor.
Ang batikang events organizer ay nagdaos ng isang party sa Baguio City bilang ‘promotion of local artists and tourism of the city.’
Ngunit nagalit ang mga netizens sa murang fine na natamo ng artista. Umano, hindi naman daw ‘necessity’ ang isang party na idadaos nang personal, ngunit maliit lamang na halaga ang ipinataw na fine sa mga lumabag sa sobrang halagang health protocols panlaban sa pandemya.
Mula noong Marso 2020, nag-atas na ng Health Protocols sa bansa bilang panangga sa COVID-19. Ito ay ang pagsusuot ng mask, pagkakaroon ng pisikal na distansya mula sa ibang tao, at ang palagiang paghuhugas ng kamay.
Pumutok sa social media ang mga video at litrato ng party na nagpapakitang walang face mask na isinusuot ang mga dumalo at hindi pa nag-distansya sa isa’t isa.
Iklinaro naman ni Yap na ang mga dumalo ay na-test bago pumasok ng Baguio City.