NSagpahayag ang isang Press Briefing Dyson ng CEO
Noong November 26, nagpahayag sa isang press briefing ang Dyson CEO Roland Kreuger na nagbabalak ang kanilang kumpanya magtayo ng software lab sa Alabang. Ito’y upang makadagdag ng Research at Development na sektor sa kanilang lokal na operasyon matapos silang magtayo ng isang advanced manufacturing facility noong 2016 sa Laguna.
Nagbabalak umano ang kumpanyang mag-hire ng 400 na Software Engineers sa Pilipinas. Ang mga ito’y magiging parte ng research at development para sa future “Dyson Intelligent Machines.”
Ang itatayong software lab ay parte ng 2.75 B Euro investment para sa future technology.
Ang Dyson ay gumagawa ng mga produkto gaya ng bladeless fans at cordless na vacuums, at sa ngayon ay naglalabas ng mga produkto para export galing sa Laguna plant. Ang plantang ito ay gumagawa rin ng mga motor na nagbibigay buhay sa mga produkto ng Dyson. Ang mga ito’y tinatawag na Dyson Hyperdymidium motors, at ang planta’y nakakapag-sagawa ng 13 million na yunit.
Ayon kay Scott Maguire, ang COO ng Dyson, pinili nila ang Pilipinas para sa kanilang software laboratory dahil sa rate of success ng kanilang mga operasyon sa bansa. Idagdag pa dito na sila’y nahikayat sa talent pool na mayroon ang workforce ng Pilipinas.
Ang working culture daw na gustong ma-achieve ng Dyson ay tungkol sa mga bata at matalinong engineers, hindi bale kung straight galing university o may experience.
Nagpalabas ng pahayag ang Dyson na ang kanilang laboratory ay magbubukas ng hiring para sa mga Software Engineers, Automation Test Engineers, at release Train Engineers. Ang mga interesado ay maaaring magsumite ng kanilang aplikasyon sa philippines.recruitment@dyson.com