Orphan Movie Prequel Orphan: First Kill; Plot, Cast, Release Date Link

Sa isang post ng Variety, inilabas na si Isabelle Fuhrman ay gaganap ulit bilang Esther/Lena sa prequel ng kanyang pelikulang “Orphan” kung saan magiging associate producer din ang aktres doon.

Ang “Orphan” ay isang horror movie na tungkol sa pag-ampon ng mag-asawa sa isang European na batang babaeng si Esther. Ngunit maraming kakaiba ang nangyari sa kanilang pamilya pagkatapos ng pagpasok nito dahil sa di inaasahang plot twist kung saan nabunyag na si Esther pala ay isa nang “adult female” na merong primordial dwarfism na nagngangalang Lena Klammer.

Ayon sa The Hollywood Reporter, ang prequel ng naturang pelikula ay umiikot sa kwento ni Lena Klammer kung saan siya nanggaling at paano ito nagpanggap bilang si Esther na anak ng isang mayamang pamilya.

Ipinahayag ni Isabelle ang kanyang pananabik sa pamamagitan ng pag-post ng teaser sa kanyang nga fans sa instagram ng “Something is STILL wrong with Esther! Needless to say…I am so pumped!”

Hindi pa nailalabas ang release date ng pelikula ngunit inaasahan itong ilabas sa 2021 ng mga fans.

Naka-simula na din silang mag-shoot sa Winnepeg, Canada at nakumpirma din na ang aktres ng “10 Things I Hate About You” na si Julia Stiles ay kasama sa pelikula.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *