Pagkakaroon ng COVID-19, nakakapababa raw ng Men Fertility
Ang pandemyang nakaapekto ng milyong tao ay natagpuang nakakapagpataas ng sperm cell death, inflammation at oxidatuve stress, ayon sa ulat ng mga tagapagsiliksik sa isang journal na may pangalang Reproduction.
Ani ng mga awtor, “These findings provide the first direct experimental evidence that the male reproductive system could be targeted and damaged by COVID-19.”
Nagpahayag naman ang ilang eksperto na ang kapasidad ng virus na maapektuhan nga sa ganoong pamamaraan ang fertility ng mga lalaki ay hindi pa rin napapatunayan.
Ang COVID-19 ay nakapagsasanhi sa isang respiratory illness. Mas laganap ito sa mga matatanda at ang mayroon nang unang sakit.
Mayroon nang hihigit sa 100M kaso nito mula ng pagsibol ng virus sa Central China noong Disyembre 2019.
Natagpuan ng mga manunulat na ito rin ay nakaka-infect sa reproductive organs ng mga lalaki, nagpapababa ng sperm development, at nakakaistorbo sa reproductive hormones. Ang mga receptor ng virus na natagpuan sa lung tissue ng naapektuhan ay nakitaan ng parehong receptor sa kanilang testicles.
Ngunit ang tumpak na epekto ng virus sa abilidad ng mga lalaking magparami ay hindi pa rin natatagpuan.
Ang pag-aaral ay isinagawa nang mayroong 10-day intervals sa loob ng 60 araw sa 84 na lalaking mayroong Covid-19 at ikinumpara sa impormasyong nakalap sa 105 na lalaking wala ng virus.