Pagkuha ng kanilang coronavirus vaccine, isasapubliko ni Obama, Bush, at Clinton

Sa taong ito, kumalat ang SARS-Cov-2 na nagdala ng COVID-19 sa halos lahat ng bansa sa mundo. Nitong kailan lamang ay nagsilabasan na ang mga bagong vaccines panlaban sa sakit, ngunit mayroong pangamba ang publiko sa kaligtasan ng mga ito.
Dahil dito, ang dating mga US Presidents na sila Barack Obama, George Bush, at Bill Clinton ay nagsaad na hindi sila tututol sa pag-televise ng pagkuha ng kanilang vaccine shots kung ito’y makakatulong bigyan ng seguridad ang mga vaccines, at makapag-hikayat ng mas maraming tao ma-vaccinate.
Sa isang panayam kasama ang Sirius XM Radio nitong Miyerkules, nagsaad ang Demokratikong dating Presidente na si Obama na, “I may end up taking it on TV or having it filmed so that people know that I trust this science.”
Habang ang Republican na si Bush naman ay kukunin lamang ang vaccine shot kung ito’y mabibigyan na ng Emergency Approval ng US Food and Drug Administration, ayon sa Chief of Staff ni Bush na si Freddy Ford.
At si Clinton, isa ring Demokratiko, ay mayroong release na “(will) definitely take a vaccine as soon as available to him, based on the priorities determined by public health officials.” Sa isang email, idinagdag pa ng kanyang spokesman na si Angel Urena na, “And he will do it in a public setting if it helps in urging all Americans to do the same.”
Mayroong FDA Panel ng mga outside advisers na magdadaos ng meeting sa paparating na ika-10 ng Disyembre upang matalakay ang paghahandog ng Emergency Use Authorization sa bakunang nabuo ng Pfizer kasama ang German partner na BioNTech. Ang bakunang ito ay mayroong itinatalang 95% effectiveness sa pag-iwas ng pagkakaroon ng COVID-19.
Ang mga US Health Officials ay nakikitang magkakaroon na ng mga inoculations sa loob ng ilang araw o linggo kung mayroon ngang emergency grant.
Habang ang bakuna namang nabuo ng Moderna Inc. ay malapit na ang effectivity rate sa 95%, at nakikinitang mare-review matapos ang ilang linggo.
Mayroong minoridad na mga Amerikanong may pagdududa sa mga bakunang ilalabas dahil na rin sa bilis ng pagka-develop ng mga ito. Pero ayon sa kasalukuyang mga datos, mayroong 58% na mga Amerikanong kukunin ang kanilang COVID-19 vaccine shots. Mayroong 8% na pagtaas mula sa 50% noong Setyembre, ayon sa datos ng Gallup Posters.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *