Pagpapasikat ng China gamit ang mga bakuna, nagpapasama lang sa kanila.

Ang mga delays, hindi maayos at pare-parehong datos, kawalan ng transparency, at mga garapalang pag-atake sa mga kakompetensya sa kanluran ang nag-dulot sa China na mapasama sa larangan ng global health.

Ang mga inilabas na coronavirus vaccines ng China ay magdadala dapat ng pagkapanalo sa kanila, sa pamamagitan ng pagpapagilas sa siyensya at generosity, ngunit ito’y nagdulot ng malawakang kritisismo.

Mga opisyales galing Brazil at Turkey ay nagreklamo sa mabagal na pag-papadala ng China sa kanilang mga in-order na mga doses at ingredients. Ang mga impormasyon din ukol sa mga ginawang bakuna ay kadalasang hindi kumpleto at napapatagal pa ang pagdating.

Mayroong mga anunsyong nagpapalabas na ang mga bakuna galing sa bansa ay epektibo nga, ngunit hindi kasing-effective ng mga nagawa ng Pfizer at Moderna.

Sa Pilipinas, maraming mga mambabatas ang bumatikos sa desisyon ng gobyerno na bilhin ang mga bakunang galing Sinovac. Habang mga opisyales naman sa Malaysia at Singapore, na um-order din ng mga bakuna galing sa nabanggit na Chinese company, ay kinailangang pakalmahin ang kanilang taumbayan na ang bakuna ay maaapruba lamang sa pag-gamit kung napatunayan ngang epektibo at ligtas,

Mayroong tumatayang 24 bansa, mga low at middle-income, na nakipagpirmahan sa mga vaccine companies ng China dahil ang mga mayayamang bansa ay inuubos ang supply ng mga bakunang gawa ng Pfizer at Moderna. Ngunit ang nangayaring delay sa pagdeliver ng mga Chinese vaccines at ang katotohanang hindi ito ganoon ka-epektibo ay nagpapatunay na ang mga bansang pumili dito ay mapapatagal pa bago mawala ang epekto ng pandemic.

Ang mga media ng China ay nagsimula ng isang kampanya na lumalaban sa mga American vaccines. Ito’y naglalaman ng mga pagdududa sa kaligtasan ng mga nabanggit na bakuna, at iginigiit na ang gawang-China ay mas epektibo.

Mayroon din silang mga ibinahaging online videos na ginamit din ng mga anti-vaccine sa Estados Unidos.

Hindi gaya ng Pfizer at Moderna na mga bakuna, ang galing China ay maaari lamang ilagay sa refrigerators, kaya ito’y mas mainam para sa mga bansang kinukunsiderang developng palang.

Dahil sa delay ng mga bakunang galing China, ang ilang mga bansa ay ngayo’y nakipagsama na sa ibang mga kompany, gaya ng Oxford-AstraZeneca, na dadating galing India.

Ang kawalan ng karampatang impormasyon ukol sa mga bakuna ay naging issue sa maraming bansa, isa na rito ang Pilipinas na mayroong napagkasunduang 25M vaccines sa Sinovac. Si Risa Hontiveros, isa sa mga mambabatas na tumataliwas sa pag-gamit ng Sinovac, ay nagsabing ang administrasyon ng kasalukuyang Presidente Duterte ay, “Continues to cram their preference for Chinese-made vaccines down the public’s throat, without emergency use approval and with inconsistent data.”

Habang si Leila de Lima, isa ring mambabatas, ay nagpahayag ng kanyang galit bakit mas malaki ang binayad ng Pilipinas para sa bakuna ng Sinovac kung ikukumpara sa binabayad ng ibang bansa. Bilang responde, nagwika naman ang palasyo na ang naunang presyo ay ‘overstated’ ngunit hindi nila maibabahagi ang tunay na presyo dahil sa isang confidentiality agreement.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *