Pamilya Dacera hindi tinatanggap ang ulat ng PNP sa pagkamatay ni Christine.

Nahanapan ng mga kapamilya ni Christine Dacera ng iregularidad ang pinakahuling ulat ng Philippine National Police (PNP) ukol sa flight attendant na namatay.

Ayon kay Atty. Roger Reyes, hindi sumasang-ayon ang pamilya Dacera sa ulat ng medico-legal officer na si Police Lt. Col. Joseph Palmero noong ika-11 ng Enero.

Ani ni Reyes sa isang panayam sa radyo, “The medico-legal report ni Dr. Palmero is not a medico-legal examination, dahil sa ‘yung bangkay ni Christine eh nalibing na noong January 11 (Because Christine’s body has already been buried by January 11). It was buried on January 10 so there was no way he could have examined the body on January 11.”

Ang inilabas na ulat noong Miyerkules ng PNP ay nagtakdang ang kinamatay ni Dacera ay mga natural lamang na rason.

Inamin din ni Reyes na hindi naniniwala ang mga Dacera na ikinamatay ng dalaga ang ruptured aortic aneurysm dahil sa mga pasa nito sa katawan.

Idinagdag ng abogado na, “The Dacera family disputes that. They believe that she was spiked with drugs and sexually molested in either (room) 2207 and 2209 and that contributed to her death.”

Kwinekwestiyon din ng pamilya bakit hindi isinali ang mga pasa at sugat sugat ni Christine sa ginawang eksaminasyon.

Hinihintay pa rin ng pamilya na lumabas ang resulta galing sa hiwalay na eksaminasyon galing sa National Bureau of Investigation.

Ani naman ng PNP na ilalagay nalang nila ang responsibilidad ng pagdedeklaro kung ang kaso mga ba ay sarado na sa Special Investigation Task Group (SITG).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *