‘Parang panaginip talaga,’ – Janine Gutierrez

‘Surreal, parang panaginip talaga,’ ang sabi ni Janine Gutierrez matapos ang kanyang unang pag-tanghal sa “ASAP natin ‘to”.

Bilang kanyang debut performance, kinanta ni Janine ang “Panaginip” kasama nila Martin Nievera, Gary Valenciano, at Ogie Alcasid.

Matapos ang pagtatanghal, mayroon pang mensahe si Janine para sa mga nabanggit na personalidad. Ani niya, “I am so happy to be here with all of you. Thank you so much for the warm Kapamilya welcome. I am so grateful and honored na kayo pa ang kasama ko dito sa first time ko sa ASAP stage. Thank you so much.”

Bago ang performance nila, mayroong ipinakita ang “ASAP Natin ‘To” na mga mensahe mula sa pamilya ni Janine.

Ani ng kanyang Lola na si Pilita Corrales, “Congratulations Janine. I know that you will be very happy in your new home and I hope all the projects that you will do, you will do just as well as when you won best actress for a movie. I am so proud of you.”

Habang ang kanya namang Lolo na si Christopher de Leon ay may mensahe rin sa kanya. Ani nito, “Just remember to thank God for the talent He has given you. Work hard with humility. Basta enjoy, have fun but take care always. We love you.”

Maliban sa mga ito mayroon ding mga mensahe galing sa kanyang ama na si Monching, at ina na si Lotlot de Leon.

Si Janine ay magiging co-host sa “ASAP natin ‘to” kasama ang kapatid na si Diego.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *