Paulo Avelino, kinumpirmang Kapamilya na si Janine Gutierrez
Aksidenteng naibahagi ng aktor na si Paulo Avelino na si Janine Gutierrez ay isa nang certified Kapamilya.
Diumano, ang ABS-CBN network ay naghahanda ng masigarbong welcome at media coverage para sa kaniyang contract signing pero naunahan na sila nh aktor.
Sa mediacon ng pelikula ni Avelino na “Fan Girl,” natanong ang aktor tungkol sa kanyang mga susunod na proyekto.
Ayon kay Paulo, “I have currently a teleserye and you can also watch it in TFC, Walang Hanggang Paalam.
And I have another film, we shot pre-pandemic that’s coming out hopefully March or May.
I’m not sure with the producers but probably Summer MMFF (Metro Manila Film Festival) is called ‘Ngayon Kaya’ with our newest Kapamilya, Janine Gutierrez.”
Kaswal lamang ang pagbunyag ni Paulo sa pagiging Kapamilya ni Janine.
Si Paulo at Janine ay may iisang manager, si Leo Dominguez.
Diumano, ngayong linggo gaganapin ang contract signing ni Janine sa istasyon at ito’y per project basis muna.