Pilipinas nalaglag sa ika-115 ng Global Index on Corruption Perception
Sa laban kontra korapsyon, hindi napagtagumpayan ng Pilipinas na gumawa ng pagbabago ukol sa problema ng korapsyon sa gobyerno, ayon na rin sa isang worldwide study na naglagay sa Pilipinas bilang ika-115 sa 180 na mga bansa.
Sa 2020 Corruption Perception Index ng anti-corruption group na Transparency International, nakuha ulit ng Pilipinas ang mababang antas nito na 34 out of 100 possible points. Bumaba ng 2 kung ikukumpara sa ranking ng nakaraang taon, dahil na rin sa ‘stagnant’ na responde at polisiyang mayroon ito kontra korapsyon.
Nasa ika-113 na pwesto ang Pilipinas sa 2019 na bersyon ng index na ito.
Ani ng Transparency International, “With a score of 34, efforts to control corruption in the Philippines mostly appear stagnant since 2012. The government’s response to COVID-19 has been characterized by abusive enforcement and major violations of human rights and media freedom.”
Kung ikukumpara ang bansa sa mga karatig-bansa, na-outrank nito ang tatlong bansa. Ang Laos (134th), Myanmar (17th), at ang Cambodia (160th). Ngunit nasa ilalim ito ng Thailand at Vietnam (parehong nasa ika-104), Indonesia (102nd), Timor-Leste (86th), Malaysia (57th), Brunei Darussalam (35th), at ang Singapore (3rd).
Ayon sa ginawang pag-aanalisa ng Transparency International researchers, ang korapsyon sa undo ay mayroong epekto sa kung paano ang pag-responde ng bansa sa COVID-19, dahil ang mga bansang mayroong inefficient na proseso ay nahihirapan sa pagresolba ng krisis na ito.
Idinagdag ng Transparency International, “Corruption diverts funds from essential services such as healthcare, leaving countries around the world vulnerable and under-prepared to deal with public health crises. A lack of transparency in the allocation of resources – a practice positively associated with corruption – weakens the efficiency of crisis responses.”