Poe, inusisa si Galvez dahil sa Pagsisinungaling ukol sa Presyo ng COVID-19 vaccines
Ginisa ni Senator Grace Poe si vaccine cazr Secretary Carlito Galvez Jr. noong Biyernes sa ginawa nitong pag-kukubli ng presyo ng mga biling COVID-10 na bakuna mula sa publiko.
Sa Senate Hearing na isinagawa noong Biyernes ukol sa Immunization program ng gobyerno, ipinaliwanag ni Galvez na ang gobyerno ay magkakasala ng violation of the confidentiality disclosure agreement kung ibabahagi nito ang presyo ng mga bakuna sa negosasyon sa iba’t ibang manufacturers.
Ani niya, “Once we are proven that we have specifically stated the exact price, the volumes or the contract can be terminated.”
Sinagutan naman ito ni Poe ng katanungang, “So, basically you don’t want to divulge the real price, so, you’re lying to the public?”
Bilang responde, nagsabi si Gal;vez ng, “Yes, Ma’am. Ang ano po talaga, Ma’am… Itong tinatawag nating special price is included in the NDA (non-disclosure agreement).”
Hindi iklinaro ni Galvez kung ang ‘Yes, Ma’am’ niya ba ay asgot sa unang katanungan ni Poe ukol sa presyo o kung sa paratang na siya ay nagsisinungaling sa publiko.
Ipinarating ng Senador ang kanyang pagkabahala sa pag-amin ng czar na siya ay nagsisinungaling sa publiko. Ito ay pinabulaanan naman ni Galvez.
Ani pa niya, “I’m not lying to the public considering that I am saying that in order to correct the impression of the public that we are overpricing. We’re just saying the indicative price of not more than PHP 700.”
Ang isyu ukol sa pag-amion ni Galvez sa kasinungalingan ay hindi tinantanan ni Poe at nagdagdag pa siya ng katanungan na, “Okay, but with all due respect, I thought I asked you that you basically lied to the public and you said yes.”
Nangako naman si Galvez na ang tamang presyo ng mga bakuna ay ibabahagi sa publiko pagka-pirma sa mga supply agreements.