POPE FRANCIS Giving Paracetamol for Christmas

Pope Francis, magbibigay sa mga empleyado ng Vatican ng mga cold at flue relief pills para ngayong pasko.

Kinumpirma ng isang Vatican Source na nagsimula na nga ang Vatican magbigay ng regalong ito sa mga empleyado.

Ang panahon ng tag-lamig sa Roma ay nagsimula na, at ang flu vaccine para sa taong ito ay napahuli sa dating sa Italya.

Ilang mga eksperto ng bansa ay nangangamba na magkaroon ng pagtaas ng mga may flu pagdating ng Enero na maaaring magpalala ng kalagayan ng health care system nila. Kasalukuyang nilalabanan ng Italya ang ikalawang tama ng Coronavirus cases.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *