Presidente Duterte, hindi isasapubliko ang pagbabakuna dahil ituturok sa pwet

Isiniwalat ni Presidential Spokesperson Harry Roque na naniniwala siyang nagpasya ang Presidente Rodrigo Duterte na pribado lamang ang pagbabakuna sa kanya dahil ito ay ituturok sa kanyang pwet.

Ayon kay Roque, “Sabi nga niya sa pwet siya magpapasaksak (ng bakuna) so hindi pupwedeng public.”

Maaalalang noong nakaraang taon nagpahayag ang Presidente na isa siya sa mauunang mabakunahan upang mapatunayan na ang binili ng gobyerno ay ligtas at epektibo.

Binawi niya ito kalaunan nang nagsabi siya sa publiko na magpapahuli nalang siya upang mabigyang prioridad ang mga health workers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *