Private Health Workers, binigyan lamang ng isang araw para mag-pasa ng requirements para sa kanilang hazard pay.
Binigyan ng Department of Health ng isang araw lamang ang mga health workers upang mag-pasa ng mga requirements upang matanggap ang kanilang active duty hazard pay at special risk allowance. Kung hindi nila ito mapapasa, forfeited ang extra pay na itinakda ng batas.
Ilang mga union ng mga private hospital sa Metro Manila ay nanghingi kay Health Secretary Francisco Duque na i-extend ang deadline mula sa ika-9 ng Disyembre dahil imposibleng mahanda at maipasa ang lahat ng dokumento sa iisang araw lamang.
Nagulat ang mga union sa deadline dahil walang anunsyo tungkol sa documentary requirements upang makuha ang kanilang active duty hazard pay at special risk allowance.
Sinabihan din ng mga union si Duque na nalaman lamang nila ito sa isang PowerPoint presentation noong ika-4 ng Disyembre.
Ang mga private health workers ay dumaan na ng kakulangan ng PPE noong mga unang buwan ng pandemya, at hindi pa naibigay agad ang kanilang hazard pay at special risk allowance kaagad. Itinakda din ng Bayanihan to Recover Act (BARO) na makatanggap ang mga ito ng compensation sa kanilang serbisyong ibinigay hanggang ika-19 ng Disyembre.
Mayroon nang 408,790 na Filipinong naka-recover mula sa COVID-19, sa tulong ng masigasig na paglilingkod ng mga health workers.
Mayroon nang 408,790 na Filipinong naka-recover mula sa COVID-19, sa tulong ng masigasig na paglilingkod ng mga health workers.