Public Anger towards gov’t would worsen upon removal of Makabayan Bloc from Congress – Castro
Article:

Nitong Linggo, ika-13 ng Disyembre ay iminungkahi ng ACT Teachers party-list Representative France Castro na ang pagtanggal ng Makabayan Bloc sa Kongreso ay makakapag-palala ng galit ng publiko sa gobyerno.

Ipinahayag ito ni Castro matapos magbitaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ng pahaging na ang presensya ng Makabayan Bloc ay nagpapalakas lamang sa pwersa ng mga komunistang rebelde na hindi naman nila inaming pinagsisilbihan nila bilang legal fronts.

Diumano kay Castro, ang diskuwalipika sa mga Makabayan lawmakers sa susunod na eleksyon ay magpapakita lamang na minamaliit ng administrasyon ni Duterte sa mga legal na panawagan sa fare hikes para sa mga guro, dagdag na benepisyo para sa mga manggagawa, at proteksyon mula sa mga Anti-People policies ng gobyerno.

Habang si Lorenzana, isang myembro ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) , ay ipinagdiinan na ang pag-diskuwalipika sa Makabayan Bloc party-lists ay isang paraan upang sila’y matanggal sa Kongreso. Ipinahayag pa niya, “Dahil alam niyo ang history nila, wala naman silang ginawa kundi batikusin ang gobyerno. Habang nandiyan sila lalong lumalakas ang CPP-NPA. Dahil legal fronts nga raw sila, meron silang legal cover, para bang sa kanila, pwede na nilang gawin ang gusto nilang gawin dahil legal fronts sila.”

Iginigiit ni Castro na walang pruweba ang gobyerno na ang mga miyembro ng Makabayan Bloc ay may koneksyon sa mga komunistang rebelde.

Para naman sa Bayan Muna party-list Representative Carlos Zarate na ang plano ng gobyernong pagtatanggal sa mga Makabayan lawmakers ay para lamang i-harass sila at i-sabotahe sa 2022 na eleksyon.

“Red-tagging is not truth-tagging. It is a witch hunt and an attempt to destroy dissent and the opposition,” pagdadagdag pa ng Bayan Muna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *