Robreco, handang maturukan ng bakuna sa harap ng publiko
Ayon spokesman ni Vice President Leni Robredo, handa na ang Bise kunin ang kanyang mga Covid-19 vaccine shots upang maipakita sa publiko na hindi ito dapat katakutan.
Ayon kay Barry Gutierrez, ang spokesman ni Robredo, “As early as the first week of December VP Leni already declared her willingness to receive the vaccine in public to encourage all Filipinos to get vaccinated.
Idinagdag niya, “In her view, government should have two priorities on this issue: ensuring the availability of a safe, effective and affordable vaccine, and ensuring that as many Filipinos as possible receive it. She is more than ready to do her part in attaining these goals.”
Noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Presidente Duterte na handa siyang mapahuli sa mga makakatanggap ng bakuna laban COVID-19 upang mag-bigay daan sa mga priority groups at mamamayan ng bansa, lalo na ang mga mahihirap at mga frontliners.
Sa ibang bansa gaya ng Singapore at Indonesia, ang mga pulitiko ang unang nakatanggap ng bakuna at ito ay isinapubliko upang maliwanagan ang mga tao tungkol sa seguridad at efficacy ng kanilang piniling COVID-19 brands.
Ayon sa Presidential Spokesman Harry Roque, si Duterte ay babakunahan nang hindi isinasapubliko.
Sa isang banda naman, nagbitaw ng pahayag si Robredo na ang popularidad na mayroon si Duterte ay makakatulong sa pag-kumbinsi sa publiko na mabakunahan na rin.
Idinagdag pa niya, “As a general rule, public officials should be the last to receive benefits, but it’s different when we talk about the vaccines because of the very low confidence of our people in getting vaccinated.”