Roque – Bakit ayaw sa Chinese vaccines kung ang gamit sa bahay ay galing China?
Hinihikayat ng MalacaƱang ang publiko na bakunahan ang kanilang mga sarili gamit ang Sinovac na galing China. Idinagdag pa nila na walang dapat ikakabahala rito sapagkat ang mga produktong makikita sa pamamahay ay malimit na galing sa China.
Ang nanghikayat ay ang Presidential Spokesman Harry Roque. Ito ay habang pinagtitibay ng gobyerno ang kanilang operasyon upang mapataas ang tiwala ng publiko sa efficacy at safety ng bakunang galing sa China.
Sa isang interbyu sa radyo, sabi ni Roque na pwedeng hintayin ng publiko ang gusto nilang bakuna, ngunit ipinaalala rin niya ang bagong COVID-19 variant na pumasok sa bansa.
Ito ay matapos magbitaw ng pahayag si Roque na ang mga aayaw sa SinoVac o sa ibang China-manufactured na drugs ay mawawalan ng slot sa free vaccination program ng gobyerno.
Ang pahayag ni Roque ay, “Isipin po ninyo ay mayroong new variant na mas nakakahawa. Bagama’t ito nga po daw ay hindi mas seryoso kaysa sa odinaryong variant, hindi po natin masasabi. Kaya kung ako kayo, magpabakuna na, dahil mas mabuti na iyong may proteksiyon kaysa doon sa wala.”
Idinagdag pa niya, walang rason ang publiko mangamba sa bakunang galing China dahil ang mga pang-araw araw na kagamitan ng masa ay galing China rin.
Aniya, “From kinakain to ginagamit sa bahay, halos lahat po iyan made in China. Ganoon din po siguro ang mangyayari sa vaccine, wala pong pagbabago iyan sa ating pang-araw-araw na buhay.”
Sabi pa ni Roque na swerte ang Pilipinas dahil mayroong kalapit na bansang itinuturing na economic powerhouse.
Noong Huwebes, isiniwalat ni Roque na hindi pinakamahal na bakuna ang Sinovac. Ito ay binigay umano ng China sa isang “BFF” (best friends forever) na presyo. Mayroon nang 25M doses na binili ang gobyerno sa Sinovac na bakuna.