ROSSEL TABERNA, HANGA SA TAPANG NG ANAK NILA NI KA TUNYING
Nitong ika-2 ng Disyembre lamang ay mayroong social media posts ang broadcast journalist na si Anthony “Ka Tunying” Taberna tungkol isang taong pakikibaka ng kanyang anak na si Zoey laban sa sakit nitong leukemia.
Ngunit bago pa pala makapag-siwalat si Ka Tunying tungkol sa karamdaman ni Zoey, nauna nang nakapagpost ang kanyang misis na si Rossel sa FB Page nito noong 4:10 PM ng December 2.
Ibinahagi ni Rossel ang mga sumusunod:
“Today at 4:10 PM: ‘Mommy, can I use my phone saglit po? I want to post something po and there’s one photo that I wanna post because I’m not scared anymore.’
Feeling emotional today but Zoey’s message and post turned the emo Mom in me into one proud Mommah.
Kahit na pinaiyak niyo na naman ako ng Daddy mo, I’m super happy cos you finally decided to show the world how beautiful you are – with or without hair.”
Kasama sa post na ito ay mga litrato ni Zoey sa kanyang laban sa leukemia. Mayroong larawan niya noong siya’y nagpapa-shave ng buhok at ng ospital kung saan siya’y naka-confine.
Patuloy pa ni Rossel sa post, “A year ago when you were diagnosed with leukemia, I was so scared and regretful. I cannot help but blame myself. Bakit hindi ko nalaman sooner? Why didn’t I notice your abrupt weight loss? I felt so guilty for being extra busy and I knew in my heart, kasalanan ko. But I am also blessed with a very loving and supportive husband. He would always remind me that it’s no one’s fault and that we are just facing a major life challenge.”
Nagpaulan din ng papuri si Rossel sa kanyang anak. Diumano’y kahanga-hanga ang katapangang ipinamalas nito kahit na grabe ang pinagdadaanan, dulot na rin sa sakit ng leukemia.
“Takot na takot ako, pero napakatapang mo. You don’t even complain, and it hurts me even more. Kahit alam ko na masakit na masakit, you tried to stay calm because you didn’t want us to worry.”
Naglahad din ng pananalig si Rossel na gagaling ang kanyang anak. “Alam ko sa puso ko, na pinagagaling ka Niya. Buo ang tiwala ko sa Diyos na dinirinig Niya ang ating mga panalangin.”
Bilang pagtatapos sa kanyang post, nagpahayag ng pasasalamat si Rossel sa mga taong nagbigay ng tulong sa laban ng kanilang pamilya sa leukemia ni Zoey, kabilang dito ang mga staff ng ospital kung saan siya naka-confine, ang mga kaibigan nila, sa kanilang bunsong anak na si Scoopy, sa kanyang asawa na si Anthony, sa katapangan ng kanyang anak na si Zoey, at sa Panginoon, na nagbigay sa kanila ng lakas na harapin ito.
At ang kanyang huling mensahe, “1 year down, 2 more years to go for your complete healing, Atchi. Mahal na mahal ka namin.”