‘Second chance’: Bello, trabaho ang ganti sa snatchers ng kaniyang cellphone

Apat na kabataang nasa edad na 15 hanggang 18 ang arestado matapos nakawin ang cellphone ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa kasagsagan ng mabagal na trapiko noong Biyernes, November 6 at imbes na kaso ang binigay ng kalihim, trabaho ang pinaabot nito sa mga nadakip na kabataan.

Ayon sa panayam ni Bello sa teleradyo, nahablot ng grupo ng mga kabataan ang kaniyang mamahaling cellphone mula sa kanyang sasakyan habang mabagal ang trapiko malapit sa Manila City Hall.

Ang health protocol kasi hindi dapat nakasara ang bintana ng kotse, di ba? Isang dangkal naka-open, nagbabasa ako ng messages. Bigla na lang may kumalampag. Nawala na ‘yung cellphone ko. Ni hindi ko nakita ‘yung kamay ng snatcher, di ko nakita ‘yung itsura,” aniya.

Pagkalipas ng dalawang araw, narekober din ng Manila Police District ang cellphone at nahuli ang 4 na kabataang iniuugnay sa krimen.

Aminado naman ang nga suspek na hindi ito ang unang pagkakataon na nagawa nilang magnakaw kung kaya imbes na ipakulong, gusto silang tulongan ng kalihim na mabigyang ng marangal na buhay.

Sa tingin ko, these minors might need assistance rather than penalty‚Ķ Yung mga minors, 15, hindi pa puwede mabigyan ng employment. What we can do is probably give them livelihood. Iyong mga snatcher na 18 above, ‘yon puwede namin bigyan ng emergency employment or I might give them regular employment nang sa gayon mapalayo sila sa tukso sa pagnanakaw,” paliwanag ni Bello.

Dagdag pa ng kalihim na desidido siyang ituloy ang pagsampa ng kaso sa babaeng bumili ng cellphone mula sa mga kabataang nagnakaw nito at sa lalaking nagbenta ng cellphone sa halagang P35,000.

“Yon ang mga dahilan kung bakit may mga snatcher eh. ‘Yong snatcher, nag-ii-snatch din dahil alam niyang merong buyer,” ani Bello.

Nagpasalamat ang kalihim sa agarang pagresolba ng kaso at nag-iwan pa ito ng hamon sa mga pulis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *