Sotto nag-file na maamyendahan na ang Party-list System Law
Nag-file noong Lunes si Senate President Vicente Sotto III upang maamyendahan ang Republic Act 7491 o ang Party-list System Act.
Ang bill na ito ay dumating matapos magbigay ang Presidente Duterte ng suhestyon na amyendahan na ang 1987 Constitution.
Ito ay tinuturo nilang paraan upang tuluyan nang matanggal sa Kongreso ang mga indibiduwal at grupo na maaaring nakikisimpatya sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa Kongreso.
Sa ilalim ng bill na ito, maaari nang magkansela ang Commission on Elections ng registrasyon ng nasyunal, rehiyonal, sektoral, mga organisasyon, o koalisyon na hindi nag-representa sa mga sectors na sinasabi nilang kanilang bibigyang boses.
Maaari ring kanselahin ng Comelec ang rehistrasyon ng mga partidang mayroong partisipasyon sa anumang akto na tumataliwas sa kagustuhan ng gobyerno, o nagpapatalsik dito, nagpapahina sa kapangyarihan at impluwensya, at sa pakikipag-kaisa sa mga rebelde at mga terorista – ayon sa Anti Terrorism Law.
Ipinaliwanag ni Sotto na ang interpretasyon ng batas na ito ay upang marepresenta ang mga grupong ‘marginalized’ at ‘underrepresented’.
Diumano, ito ay naabuso na at naging daan upang maipatupad ang mga adbokasiyang hindi naman kasama sa kagustuhan ng gobyerno.
Ang posisyong ito ng Senador ay sinuportahan ng ibang miyembro ng Senado na sila Franklin Drilon, Panfilo Lacson, at Risa Hontiveros.