Sweet 16: Judy Ann, Ryan mark daughter Yohan’s birthday
Nagkaroon ng maliit at simpleng pagdidiwang sina Judy Ann Santos (Juday) at Ryan Agoncillo kasama na ang kanilang mga anak sa 16th birthday ng kanilang panganay na si Yohan kahapon, ika-8 ng Nobyembre.
Nag-post si Juday sa kanyang instagram post ng mga litrato kuha sa kanilang selebrasiyon na may kasama pang madamdaming mensahe para kay Yohan:
“Happy sixteenth, baby love. Oh how i wish i could still cuddle you from the first day I fell in love with you.”
“You have grown so fast! So fast, that I want to turn back time to the day that you were so in love with a mascot and would bring me and daddy so much joy just watching you so happy!”
“You will always be my first love, sweetheart. You are one of God’s greatest blessings and will forever be mommy and daddy’s baby girl!”
“We love you so much sweetie pie. I know, in my heart that we were meant to be,” – Juday
Bukod sa 5-tiered tower cake na hinanda, naglaro din ang pamilya ng online mystery game na nagdagdag sa saya at excitement sa pagdiwang nila ng kaarawan ni Yohan.