Tekla, tutulungan ni Raffy Tulfo para makuha ang kustodiya ni Baby Angelo
Dahil sa pagtanggi ng ka-live in ni Super Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag na magpa-hair follicle test para sana patunayan na inosente siya sa mga binibintang ng iba, umatras si Raffy Tulfo sa pagtulong sa mga reklamong inihain nito kamakailan.
“Very clear na sa akin…this is now an indication to me na meron ka talagang tinatago, you’re lying,” ani ni Raffy kay Michelle.
“Ikaw ay ire-refer namin sa DSWD. Ang DSWD na ang gagawa ng assessment kung karapat-dapat mo bang alagaan ‘yung mga pamangkin mo. Kasi nga ngayon very clear sa akin na gumagamit ka pa rin,” dagdag pa niya.
Ipinahayag din ni Raffy Tulfo na kung sakaling mapatunayan na gumagamit pa rin ng illegal na droga si Michelle, tutulongan niyang mabawi sa kustodiya ni Super Tekla ang kanilang anak na si Baby Angelo.
“Sapagkat nakikita ko hindi ka karapat-dapat mag-alaga ng bata sapagkat gumagamit ka pa rin. Why? Dahil takot kang magpa-drug test. Meaning, you’re still using. Ngayon pati anak mo mawawala sa ‘yo dahil ipata-transfer ko ‘yan kay Tekla.” – Raffy
Sa gitna nitong mainit na issue, todo suppporta pa rin ang mga kaibigan ni Tekla sa kaniya kung saan ipinagtanggol pa nila ang komedyante sa mga kritisismo ng iba. Pinasalamatan naman ito Tekla sa isang Facebook post pati na ang mga fans na patuloy na sumusuporta at naniwala sa kanya,
“Salamat Panginoon. Salamat Donita, Mommy Rose at mga kaibigan kung hindi ako iniwanan at handang ipagtanggol ako. Salamat sa lahat ng sumuporta at magtiwala hindi ko na kayo maisa-isang lahat. Pipilitin kung bumangon at magsimula. Nanaig na ang katutuhanan, wag na nating husgahan at i-bash pa si Michelle at pamilya nila.” – Tekla
Caption for FB:
Umatras si Raffy Tulfo sa pagtulong kay Michelle Lhor Bana-ag at ipinahayag na kung sakaling mapatunayan na gumagamit pa rin ng illegal na droga si Michelle, tutulongan niyang mabawi sa kustodiya ni Super Tekla ang kanilang anak na si Baby Angelo.