Thai, makukulong ng 43 taon sa pag-insulto ng Monarkiya

Sinentensyahan ng isang Thai na korte ang isang babae sa pagkakabilanggo ng 43 taon, dahil sa kanyang mga kritisismong binahagi online tungkol sa royal family.

Ito ang pinaka-malalang sentensyang mayroon ang bansa para sa pag-insulto sa kanilang monarkiya.

Kasabay ng kanyang mga kritisismo ay ang pag-sibol ng mga demonstrasyong bukas na iniinsulto rin ang monarkiya. Nilalagay sa kabilang parte ng batas ang mga sarili dahil na rin sa batas ng Thailand na lese majeste, na nagdadala sa lumalabag sa 15-year na parusa kada bayolasyon.

Ang babaeng nahuli, si Anchan Preelert, ay nasakdal sa 29 na mga bayolasyon.

Nauna siyang nabigyan ng sentensyang 87 na taon, ngunit dahil kinilala niya ang kamalian ng kanyang ginawa, kinalahati ng korte ang parusa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *