Tokyo Gov. Speaks Tagalog

Ang Japanese Governer ng Tokyo ay nagpadala ng mensahe sa mga Filipinong residente doon, nagpapaalala ng banta ng COVID-19 lalo na ngayong papalapit ang kapaskuhan.

Sa 40-segundong video clip na pinalabas ng YouTube channel ng Tokyo Metropolitan Government noong Nov. 13, ipinaalala ni Gov. Yuriko Koike ang mga Pinoy, gamit ang wikang Filipino, tungkol sa kahalagahan ng mga minimum health protocols laban sa COVID-19.

Kaalinsabay ng minimum health protocols ay nagpaalala rin siya na umiwas din sa 3Cs (Closed spaces, Crowded Spaces, and Closed-Conract settings)

Ang mga Filipinong nakapanood ng video ay nag-iwan ng komento sa youtube video, nagpapahayag ng papuri sa gobernador sa kanyang pag-sasalita gamit ang Filipino at sa maganda rin niyang pagbibigkas.

Kasalukuyang naka-maximum alert ang Japan matapos ang pag-dami ng kanilang daily coronavirus infections mula mid-November, ngunit wala pa namang abiso ng restriksyon o limitasyon sa ngayon.

Link for Gov. Koike’s video: https://youtu.be/AqjnDNZNZ8g

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *